Bagyo Tracker — Real-Time

Eto na naman tayo. Pero this time, at least alam mo kung nasaan ang bagyo, gaano kalakas, at kung kailangan mo na bang mag-evacuate.

Buksan ang Tracker →

Paano gumagana 'to?

Ang SAFE ka ba? ay kumukuha ng typhoon data mula sa GDACS (United Nations / European Commission) at ine-enrich ng PAGASA TCWS signal levels — every 15 minutes, automatic. Hindi ka na kailangang mag-refresh ng PAGASA website na nag-lo-load pa ng isang oras. Nandito na lahat.

Buksan mo lang sa browser — walang install, walang ads, walang kalokohan. Gumagana sa kahit anong phone, kahit sa luma mong Android na binigay ng Tito mo.

🗺️ Live Typhoon Map

Makikita mo ang exact position ng bagyo sa mapa, pati ang forecast track niya — saan siya papunta sa susunod na 24, 48, 72 hours.

💨 Wind Speed

Sustained winds at gustiness in km/h. Para alam mo kung "hangin lang 'yan" o "huwag ka na lumabas, pre."

🔴 TCWS Signals

Signal No. 1 hanggang 5, color-coded, kasama ang listahan ng affected areas — straight from PAGASA.

👨‍👩‍👧‍👦 Safety Check

Gumawa ng group para sa pamilya mo. Mark yourself as "Safe" para hindi mag-worry si Nanay.

TCWS Signal Guide — Para Hindi Ka Na Magtatanong

Tuwing may bagyo, puno ang Facebook ng "Ano ibig sabihin ng Signal No. 3?" Eto, isang beses na lang. I-save mo 'tong page na 'to.

Signal No. 1 — "Mag-prepare ka na"

Winds: 30–60 km/h expected within 36 hours. Mag-stock ng tubig at pagkain, i-charge ang phone, at i-check ang flashlight. Hindi pa emergency, pero huwag kang kampante.

Signal No. 2 — "Huwag ka na lumabas"

Winds: 61–120 km/h expected within 24 hours. Puwedeng magtanggal ng mga signage at maliliit na structure. Secure ang bintana. Kung kaya, mag-stay sa bahay. Classes suspended na 'yan for sure.

Signal No. 3 — "Delikado na talaga"

Winds: 121–170 km/h expected within 18 hours. Puwedeng magtanggal ng yero at puno. Kung nasa flood-prone o coastal area ka — alis na. 'Wag na mag-isip, mag-evacuate na.

Signal No. 4 — "Lakas-tama"

Winds: 171–220 km/h expected within 12 hours. Very destructive. Mandatory evacuation sa coastal, low-lying, at landslide-prone areas. Puwedeng masira ang mga concrete structures. Seryosohan na 'to.

Signal No. 5 — "Super Typhoon Level"

Winds: 220+ km/h. 'Yung level ni Yolanda. Catastrophic damage. Kung hindi ka pa naka-evacuate, pumunta na sa pinakamalapit na evacuation center. Buhay mo ang pinaka-importante.

Bakit SAFE ka ba?

Maraming weather app dyan — pero ilan ang Pinoy-made, libre, at walang ads? Ang SAFE ka ba? ay ginawa ng mga Pilipino, para sa mga Pilipino, na alam kung ano ang feeling ng 3-day na walang kuryente habang Signal No. 3.

Hindi kami news site na magpo-post ng "thoughts and prayers." Isa kaming tool — para alam mo kung safe ka ba, at para alam ng pamilya mo na okay ka.

I-try Mo Na →